33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Taguig LGU at NCRPO magkatuwang sa public service

MAGKATUWANG sa pagbibigay ng serbisyo publiko ang Taguig City local government unit (LGU) at National Capital Region Police Office (NCRPO) na kung saan kasama sa lahat ng programa ng siyudad ang kapulisan, maging sa peace and order at kaayusan ng maunlad na Taguig City.

Ito ang mensahe ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa naganap na parangal sa ilang commissioned at non-commissioned officers ng 33rd PNP Foundation Day sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, nitong Lunes.

May temang ‘Serbisyong Nagkakaisa at may Malasakit sa Kapwa, Tungo sa Maunlad at Ligtas na Bansa” na isang pagpapahiwatig na palaging kaagapay ng kapulisan sa NCRPO sa ilalim ng liderato ni Regional Director PMGen Jose Melencio Nartatez Jr. ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Giit ni Mayora na kasama nila ang NCRPO sa pangangalaga ng kaayusan ng buong Taguig City, maging sa pagseguro sa kaligtasan at katahimikan sa kanilang maunlad na Business District na naging bahagi ng paglago ng ekonomiya ng  siyudad.

BASAHIN  Masustansiyang cake ipinamahagi ng Mandaluyong LGU sa mga bata, inang buntis

Sa kabila ng pagsuporta ng Taguig LGU, hindi nito pinabayaan ang bawat pamilya ng kapulisan na kung saan nagbigay sila ng scholarship program sa mga anak ng PNP personnel bilang pagtulong sa kanilang pag-aaral.

Suportado din ng LGU ang NCRPO sa pangangalaga ng peace and order na kung saan una nang nagbigay ng mga baril at sasakyan na magagamit sa pagpapatrulya ng mga tauhan ng NCRPO at para na rin sa maagap na pagbabantay sa seguridad  ng maunlad na siyudad.

Malaki rin ang pasasalamat ni Mayora Cayetano dahil naging bahagi ang PNP sa maayos na pagsalin sa Taguig  ng mga EMBO barangays.

“Maraming salamat po sa inyong assistance at pag-transfer po ng dalawang substation mula sa Makati patungo sa Taguig,” ayon sa alkalde.

BASAHIN  Tirador ng vape shop nalambat sa Malabon

Hanggang sa humantong sa malaking  sigalot sa pagitan ng Makati at Taguig na  ang ginawa lamang ay pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema at napalaki ang populasyon ngayon ng Taguig City.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA