Taguig LGU at NCRPO magkatuwang sa public service

0
Si Taguig City Mayor Lani Cayetano habang isinasabit ang Kagalingan Award kay (MPD-SMaRT) Manila Police Distict-Special Mayors Reaction Team kay Manila Cityhall Chief Major Rommel Purisima habang nakamasid si NCRPO Director Chief Jose Melencio Nartatez, Jr. Si Cayetano ang Guest of Honor at Speaker ng 33rd PNP Founding Day Celebration sa Camp Bagong Diwa sa nasabing lungsod.

MAGKATUWANG sa pagbibigay ng serbisyo publiko ang Taguig City local government unit (LGU) at National Capital Region Police Office (NCRPO) na kung saan kasama sa lahat ng programa ng siyudad ang kapulisan, maging sa peace and order at kaayusan ng maunlad na Taguig City.

Ito ang mensahe ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa naganap na parangal sa ilang commissioned at non-commissioned officers ng 33rd PNP Foundation Day sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, nitong Lunes.

May temang ‘Serbisyong Nagkakaisa at may Malasakit sa Kapwa, Tungo sa Maunlad at Ligtas na Bansa” na isang pagpapahiwatig na palaging kaagapay ng kapulisan sa NCRPO sa ilalim ng liderato ni Regional Director PMGen Jose Melencio Nartatez Jr. ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Giit ni Mayora na kasama nila ang NCRPO sa pangangalaga ng kaayusan ng buong Taguig City, maging sa pagseguro sa kaligtasan at katahimikan sa kanilang maunlad na Business District na naging bahagi ng paglago ng ekonomiya ng  siyudad.

Sa kabila ng pagsuporta ng Taguig LGU, hindi nito pinabayaan ang bawat pamilya ng kapulisan na kung saan nagbigay sila ng scholarship program sa mga anak ng PNP personnel bilang pagtulong sa kanilang pag-aaral.

Suportado din ng LGU ang NCRPO sa pangangalaga ng peace and order na kung saan una nang nagbigay ng mga baril at sasakyan na magagamit sa pagpapatrulya ng mga tauhan ng NCRPO at para na rin sa maagap na pagbabantay sa seguridad  ng maunlad na siyudad.

Malaki rin ang pasasalamat ni Mayora Cayetano dahil naging bahagi ang PNP sa maayos na pagsalin sa Taguig  ng mga EMBO barangays.

“Maraming salamat po sa inyong assistance at pag-transfer po ng dalawang substation mula sa Makati patungo sa Taguig,” ayon sa alkalde.

Hanggang sa humantong sa malaking  sigalot sa pagitan ng Makati at Taguig na  ang ginawa lamang ay pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema at napalaki ang populasyon ngayon ng Taguig City.

About Author

Show comments

Exit mobile version