33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

‘Most wanted,’  arestado sa manhunt ops sa Valenzuela

Nadakip ng pulisya ang isang wanted na lalaki sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Valenzuela police ang akusado na si alyas “Lando” na kabilang sa mga most wanted person.

Batay sa report ni ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Karuhatan ang akusado.

Kaagad namang inatasan ni WSS chief P/Major Jesus Mansibang ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Lando.”

BASAHIN  Biktima ng 'mistaken identity' sa Navotas na si Jemboy, inilibing na

Inaresto ang akusado ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnacion Aquino-Gepty ng Regional Trial Court Branch 75, Valenzuela City noong January 25, 2024, para sa kasong Frustrated Homicide.

Dinala si alyas “Lando” sa Valenzuela City Health Department para sa medical examination bago pansamantalang ipiniit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

BASAHIN  Misis huli sa pagbebenta ng droga sa Antipolo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA