Sa kulungan ang bagsak ng isang call center agent at kasabwat nito matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Brig. Gen. Mark Pespes ang mga suspek na sina alyas ‘JM,’ 26-anyos, call center agent at kasabwat na si alyas ‘Arnel,’ 21-anyos.
Batay sa report, nahuli ang dalawa kasunod ng ikinasang foot patrol ng ilang tauhan mula sa Taguig Police’s Substation 5 bandang 8:55 nitong Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Ruhale Street sa Barangay Calzada-Tipas.
Dahil sa kanilang kahina-hinalang kilos, kinumpronta ng mga pulis ang dalawa at nang kapkapan ay nakita ang tatlong medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, na may timbang na 30.6 gramo, na nagkakahalaga ng ₱208,080.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Taguig detention cell at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.