KUNG si Bamboo (Mañalac) ay malaki ang kinikita bilang singer, bilyones naman ang
kikitain ng industriya ng kawayan o bamboo sa bansa.
Sinabi ni Sen. Mark Villar nitong Peb. 7 na napapanahon para isulong ang industriya ng
kawayan dahil inaasahan itong makapag-aambag ng US$3.5 bilyon sa ekonomiya ng
bansa.
Sinabi ito ni Villar matapos niyang isulong ang pagsasabatas ng Senate Bill (SB) 2513 o
“The Institutionalization of the Bamboo Industry Development in the Philippines or
the Kawayan Act”.
“We can look forward to a Philippine economy that stands as mighty and grows as
rapidly as bamboo does. Similarly, the development of our bamboo industry mirrors
the persisting Filipino resilience amid various challenges. No matter what hinders us,
no matter what sways and bends us, we will continue to push forward towards
progress and development,” saad ni Villar.
Ninanais din ng SB 2513 na mabigyan ng malawakang pagtugon ang pagpapaunlad ng
bamboo industry. Bibigyan nito ng mandato ang mga DoST, DTI, DENR, DoT, at DepEd,
pati na ang attached agencies para gumamit ng kawayan sa mga programa ng
gobyerno at palawakin ang paggamit, promosyon, pati na research and development.
Sinabi pa ng senador na malawak at malaki ang economic potentials ng bamboo
industry, pati na rin ang pangangalakal nito na aabot sa tinatayang US$88.43 bilyon sa
2030.
Nakatutulong din daw ang kawayan sa kalikasan dahil naglalabas ito ng 38 percent na
mas maraming malinis na hangin kaysa karaniwang puno at mas malakas sumipsip ng
tubig-baha.