HINDI kuripot, pero practical spender si Charlene Gonzales.
Ito ang rebelasyon ni Aga Mulach sa kanyang misis.
Hindi naman siguro pinatatamaan ni Aga si Sarah Lahbati na naiulat sa social media na
diumano’y bongga ito kung gumastos.
Kasi, karaniwan na sa mga sikat na showbiz personalities na “sobra ang galit sa pera”
na kung gumastos ay parang wala nang bukas. Kaya pagtanda nila at laos na, walang
kahiya-hiyang humihingi na pinansiyal na tulong sa pagpapagamot, kahit milyon-
milyon ang kanilang kinita noong kanilang kasikatan.
Kabaliktaran dito ang mag-asawang Aga at Charlene.
Sa interview ng Pep.ph kamakailan, sinabi ni Aga na ang misis niya ay isang
economizer, “Very practical, meaning hindi magtatapon ng pera iyan.”
“Madaming pera asawa ko. Mas ano sa akin yun, mahilig mag-save yun, mag-invest
yun. Okay, okay siya sa akin,” dagdag pa ni Aga.
Nang nasa abroad ang mag-asawa nag-shopping daw sila, pero window lang at walang
shopping. Inalok ni Aga ang misis na ibibili ng isang item, pero tumanggi raw ito.
Isang mahusay na huwaran sa financial literacy ang mag-asawang Aga at Charlene na
dapat piliting gayahin, hindi lang mga taga-showbiz industry, kundi pati na rin ng
publiko, para maiwasan ang manglimos kapag naospital ito dahil laos na, purdoy pa.