LUBHANG nababahala ang Child Rights Network (CRN) sa paglaganap ng mga gumagamit ng electronic cigarettes o vapes na kung saan tumataas na ang bilang ng kabataan na nalululong sa ‘vapedemic’ sa bansa.
Ang CRN ay isang alyansa ng mga kabataan na humihikayat sa pamahalaan na kontrolin ang paggamit ng sigarilyo, e-cigarettes at vape na nakasisira ng kalusugan kaya naman nakarating ang kanilang panawagan sa 10th session ng Conference of the Parties ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) sa Panama.
Nilinaw ni Rom Dongeto, CRN Convenor and Executive Director of the Philippine Legislators’ Committee on Population and Development, na concern sila sa public health issue ng Philippine delegation na kung saan isinusulong nila ang kapakanan ng mga kabataan laban sa paninigarilyo.
Base sa 2019 Global Youth Tobacco Survey, nasa 14% o isa sa bawat pitong kabataan na nasa edad 13 hanggang 15 ang gumagamit na ng vapes
Nabatid na nakatanggap ang bansa ng tatlong “Dirty Ashtray” awards dahil sa talamak na paglipana ng tobacco industry sa bansa.
Sinabi pa ni Dongeto na base sa survey ng Global Youth Tobacco, nakita na nasa 13-taong gulang pa lamang ay nalululong na ang ilang kabataan sa paninigarilyo partikular na ang e-cigarettes sa murang edad kaya nais nila na maghigpit ang pamahalaan sa pro-tobacco industry Vape Bill dahil lumalala na ito.
“Vapes are like candies now. The pro-industry legislation has allowed a wider range of flavors and youthful packaging and marketing, lowered the age of access from 21 to 18, and eased restrictions under the guise of “harm reduction,” dagdag pa ni Dongeto.
Malaki umano ang impluwensya ng tobacco industry sa kabataan na kung saan dahil sa ganda at kahit na anong linaw ng kanilang ads tungkol sa negatibong epekto ng paninigarilyo ay patuloy pa rin at marami ang nalululong.
Una nang nagbabala ang mga health experts sa maagang kahihinatnan ng paggamit ng vaping, kabilang na ang lung injuries, paghirap sa paghinga at nakababahalang pagtaas ng bilang ng kabataan na gumagamit ng vapes.
“Some smokers are merely transitioning to dual use, while the youth, previously unexposed to nicotine, are being lured into addiction,” ayon pa kay Dongeto.
Giit pa ni Dongeto na lubhang nalululong ang mga smokers at hindi nila napapansin na may kabataan na gumagaya sa kanila.