33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

2% lang sa mga Pinoy, may financial literacy—Gatchalian

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian na kailangang iangat ang financial literacy
ng mga Pilipino.


Ito’y dahil sa malaki ang nai-ambag ng financial at insurance activities sa paglago ng
ekonomiya ng bansa noong 2023.


Batay sa 2021 Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 2
percent lang ng mga Pilipino ang nakasagot ng tama sa lahat ng anim na tanong sa
financial literacy, habang 68 percent naman ang tama sa kalahati ng parehong mga
tanong. Lumabas din sa naturang survey na 42 percent lamang ang nakapagpaliwanag
sa epekto ng inflation sa kanilang purchasing power, mas mababa sa 55 percent na
naitala noong 2019.


Isa sa mga panukala ni Gatchalian upang iangat ang financial literacy sa bansa ang
pagtuturo ng Economics and Personal Finance (EPF) mula elementarya hanggang
kolehiyo, na iminungkahi ng senador sa “Economics and Financial Literacy Curriculum
and Training Act” (Senate Bill No.479) na siya ang awtor. Ito raw ay magpalalawak ng
kaalaman ng mga Pilipino pagdating sa usapin ng pananalapi.

BASAHIN  Kakulangan sa pondo ng SUCs pupunan ng 2024 budget — Gatchalian


Sa ilalim ng panukala ni Gatchalian, magiging mandato ang pagbuo at pagtuturo ng
isang kurso sa EPF sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan, local at state
universities and colleges (SUCs at LUCs), at mga pribadong unibersidad at kolehiyo.


Layon din ng naturang panukala ang pagkakaroon ng EPF professional development sa
mga guro, at ng EPF training course sa mga kawani ng pamahalaan at pribadong sektor
na gagabay sa mga kabataan sa mga usaping pinansyal.

BASAHIN  Ease of paying taxes bill, aakit ng dayuhang investors

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA