PANALONG-PANALO talaga ang pelikulang “Rewind”, hindi po sa trophies, kundi sa
takilya!
Ito ay matapos ipahayag ng Star Cinema, prodyuser ng “Rewind” na lomobo ang kita
ng pelikula sa ₱902 milyon, at malaki daw ang posibilidad na umabot pa ito sa ₱1
bilyon sa mga susunod na linggo.
Sa ₱902 milyon, ang “Rewind” ang itinuturing na “highest-grossing Filipino movie of all
time”.
Sa social media post ng Star Cinema, labis silang nagpasalamat sa lahat ng mga
tumangkilik sa pelikula nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Samantala, ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ay
nauna nang naitala na “highest-grossing Filipino movie of all time” sa kitang ₱881
milyon, pero nalampasan sila ng “Rewind” kung isasama ang ticket sales nito sa
abroad.
Inaasahan ni Metro Manila Development Authority Acting Chair at 2023 MMFF Chair
Romando Artes na tataas pa ang kikitahin ng MMFF sa taong ito dahil sa nagiging mas
mahusay na ang kalidad ng mga pelikulang Pilipino.