MAAARING umabot sa 138.67 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa 2055.
Ito ang pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa kanilang “2020 Census-
Based National Population Projections” sakaling maging katamtaman lamang ang
pagtaas ng populasyon.
Maaaring umabot daw ito sa 145.37 milyon sa 2055 sakaling maging mataas ang
paglaki ng populasyon, o kaya’y 132.32 milyon kung mababa.
Ang katamtamang paglaki ng pagtaya ay nagpapakita na sa loob ng 35 taon, humigit-
kumulang 29.47 milyong mga tao ang naidagdag sa 2020 midyear population ng bansa
na 109.20 milyon.
Gumamit ang census ng “Cohort-Component Method” sa pagtaya, gamit ang tatlong
lebel ng demographic processes of fertility mortality and migration to derive
population change.
Ayon sa ilang observers, dapat daw na unahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pati
na ang Kamara at Senado, ang napipintong malalaking problema sa harap nang
paglago ng populasyon, at hindi ang Charter change ang pagtuunan ng pansin, na
diumano, ay pansarili lamang at hindi para sa bayan.