CNN Philippines, magsasara na;ABS-CBN bibilhin ang prangkisa ng RPN-9?

0

KINUMPIRMA nitong Biyernes ng Nine Media Corporation (Nine Media), owner ng CNN Philippines (CNN) na tuluyan na nilang ititigil ang kanilang operasyon dahil sa
pagkalugi.


Labis na nabigla ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) dahil tila ginawang sekreto sa mga kawani ng CNN na magsasara na ang kanilang TV network.


“As reports emerge of a looming shutdown of operations and attendant layoffs at CNN
Philippines, we note that network management has yet to talk to its media workers
about their future,” ayon sa NUJP.


Tila yata ang mga taong gumagawa ng balita at ang buhay ng mga taong higit na
maaapetuhan nang pagsasara ng kompanya ang siyang pinakahuling nakaalam nito,
ayon pa sa NUJP.


Nitong Huwebes, sa kanilang breaking-news, inilabas ng “Media Newser Philippines”
ang nalalapit na closure ng CNN. Nagsimula itong mag-ere noong Marso 16, 2015.


Magtatapos na ang kontrata sa pagitan ng Nine Media at CNN ngayong taon at hindi
na raw ire-renew ng una ang licensing agreement dahil sa kawalan ng TVCs o TV
commercials.


“The apparent lack of communication between management and staff over the
coming changes highlights the need for workplace organizing to, at minimum, ensure
that employees are kept abreast of corporate developments that will affect them,”
dagdag pa ng NUJP.


Ayon pa sa NUJP, masyado raw malupit ang polisiya ng CNN na inilalagay sa alanganin
ang kanilang empleyado at sa mga Marites na lang nila nalaman na magsasara na ang
kompanya.


Ayon kay Edgard Cabangon, chair, Nine Media, na balak nilang unti-untiin ang
pagtanggal sa mga empleyado dahil sa “pag-ibig sa kanilang mga kawani”.


Ayon sa ilang observers, hindi naman mahihirapang humanap ng ibang TV network
ang CNN news anchors na sina Pia Hontiveros, Pinky Webb, at Rico Hizon, na kamakaila’y pinarangalan bilang Best News Presenter sa 28th Asian TV Awards, dahil kilala sila. Kaawa-awa raw ang mga nasa likod ng camera gaya ng production at technical staff na tiyak na mahihirapang humanap kaagad ng bagong trabaho.


May plano kayong bilhin ng ABS-CBN ang prangkisa ng RPN-9? Abangan!

About Author

Show comments

Exit mobile version