Gsis coverage ng sk, Barangay officials, Isinusulong

0

ISINUSULONG ni Quezon City D5 Rep. Patrick Michael Vargas sa Kamara na magkaroon
ng GSIS coverage ang mga halal at hinirang na opisyal ng barangay.


Sa House Bill (HB) No. 3355 o proposed Mandatory GSIS Coverage for Barangay Officials
Act, nilinaw ni Vargas ang kahalagahan ng trabaho ng opisyal ng barangay at sangguniang
kabataan.


Sinabi ng mambabatas na maliit lamang ang benepisyong ibinibigay sa barangay officials
kung ihahambing sa kanilang patuloy na paglilingkod, kahit na may sakuna o kahit sa
kasagsagan ng Covid-19 noong 2020 at 2021.


“Barangay officials are the blood that keeps the government running especially in the
grassroots and community level. It is only right and just that government benefits,
specifically in insurance as a social security tool, be extended to include our noble leaders
in the barangay,” saad ni Vargas.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Vargas na aatasan ang LGUsa na gumawa ng paraan para
makapag-contribute o ma-subsidize ang kontribusyon ng mga kapitan ng barangay,
miyembro ng sangguniang barangay, barangay administrator, barangay secretary, barangay
treasurer, chief tanod at at SK chair.


Naghain din ng katulad na panukalang batas si noo’y Cong. Alfred Vargas sa nakaraang
Kongreso, pero hindi ito naaprubahan.

About Author

Show comments

Exit mobile version