INIANUNSYO ng PAGASA na mararanasan sa 56 na mga lalawigan sa bansa ang epekto
ng El Niño phenomenon simula sa Abril sa taong ito.
Ayon pa sa PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration, mas hahaba ang tagtuyot sa buwan ng Abril.
Labing-apat na lalawigan din ang malamang makaranas nang labis na tagtuyot na
makaaapekto sa taniman sa hilaga at gitnang Luzon, partikular sa Nueva Ecija,
Benguet, Cagayan, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Simula sa Pebrero, may 27 na lalawigan ang maaapektuhan ng El Niño, at possible
itong Tumaas sa 44 sa Marso, at 56 sa Abril.
Inaasahang magiging patuloy na mararanasan ang matinding init sa mga nabanggit na
lugar at tinatayang papalo sa 40 degrees celsius ang temperatura lalo na sa Northern
Luzon.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang lahat ng mga residente at magsasaka sa mga
apektadong lugar na paghandaan ang nalalapit na El Niño at komunsulta sa regional
offices ng Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno.