33.4 C
Manila
Wednesday, November 6, 2024

PBA legend Samboy Lim, bibigyan nang pagkilala ng Senado

TINAGURIAN siyang “the Skywalker” at isa sa top 25 best cagers sa kasaysayan ng
Philipine Basketball.


Dahil dito, hiniling ni Senador Jinggoy Estrada sa Senado na bigyan nang pagkilala ang
mga nagawa ng namayapang si Avelino “Samboy” Lim, na sumakabilang buhay noong
Disyembre 23 sa edad na 61.


Binigyan-diin ito ni Estrada sa kanyang inihaing Senate Resolution No. 911 na nagpapahayag ng pakikiramay at pakikidalamhati sa pagpanaw ni Lim.


“Ang kanyang ipinakitang pagmamahal at dedikasyon sa larong ito sa pamamagitan ng
kanyang kahusayan sa bawat laro ay nagbigay inspirasyon sa kanyang mga tagahanga
at nakababatang henerasyon ng mga atleta. Malaki rin ang naging ambag nito sa pag-
angat ng Philippine basketball,” saad ng senador.

Tinawag na “The Skywalker” si Lim dahil sa kanyang gravity-defying moves at matataas
na pagtalon sa mga laro noong 1980s at 1990s. Siya ay ginawaran ng pinakaunang PBA
Sportsmanship Award noong 1993 dahil sa kanyang ethical behavior, malinis na
paglalaro at integridad.


Noong 2016, isinunod sa kanyang pangalan ang nasabing award at tinawag itong
“Samboy Lim PBA Sportsmanship Award” bilang pagkilala sa kanyang naging
kontribusyon sa larangan ng basketball.

BASAHIN  Lagman, kinontra ang mga kontra sa diborsyo


Unang nakilala si Lim noong siya ay manlalaro pa sa Colegio de San Juan de Letran at
naging parte ng tatlong sunod-sunod na pagiging kampeon nito sa National Collegiate
Athletic Association (NCAA). Siya rin ay nahirang na MVP ng koponan noong 1984.


Makalipas ang dalawang taon, naging bahagi si Lim ng San Miguel basketball team, sa
loob ng 11 taon. Dito, naging kampeon ang San Miguel nang siyam na beses, kabilang
na ang 1989 Grand Slam championship. Nakamit din niya ang limang PBA All-Star
appearances at dalawang PBA Mythical Second Team Selection.


Kasama si Lim na sa team na nakakuha ng gold medal sa 1983 Southeast Asian (SEA)
Games sa Singapore, 1985 SEA Games sa Bangkok, at 1985 Asian Basketball
Confederation (ABC) Championship title sa Kuala Lumpur; silver medal sa 1990 Asian
Games sa Beijing; at bronze medal sa 1986 Asian Games sa Seoul.


Matapos mag-retiro, itinatag ni Lim ang kanyang Skywalker Basketball Clinic, kung
saan ibinahagi niya ang kakaibang basketball skills sa mga batang manlalaro.

BASAHIN  San Juan Mayor hinamon ang nagpakalat ng 'ayuda scam'


Matatandaang Noong Nob. 28, 2014, na-coma si Lim matapos ma-cardiac arrest sa
isang exhibition game sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.


Ang pagpanaw ni Lim ay isang malaking kawalan hindi lamang sa kanyang pamilya
kundi pati na rin sa buong bansa, pagtatapos ni Estrada.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA