33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Ex-First Minister ng Scotland, bumisita kay Tulfo

NAG-COURTESY visit kahapon sa opisina ni Sen. Raffy Tulfo sa Senado si dating First Minister ng Scotland, Lord Jack McConnel.

Si McConnel ay kasalukuyang miyembro ng UK House of Lords at expert adviser para sa Westminster Foundation for Democracy (WFD).

Kasama rin niya si UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils. Pangalawang pagbisita na ito ni Beaufils kay Tulfo, magmula nang dumalaw siya noong Sept. 13, 2023.

Isa sa mga natalakay sa nasabing meeting ang tungkol sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na kung saan nakatuon ang interes ng UK dahil kapareho nito ang kanilang sitwasyon sa Scotland.

Pinuri ni Sen. Tulfo sa kanyang mga bisita ang gobyerno ng Pilipinas, lalo na ang kasalukuyang administrasyon, dahil sa pagsusulong nito sa prosesong pangkapayapaan sa BARMM.

BASAHIN  2 dating kaalyadong pulitiko ni Mayor Vico, kumalas na

Sa kabilang banda, pinuri naman ni McConell si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil maganda raw ang foreign policies nito at nang kanyang pamamalakad ng bansa.

Ayon kay Tulfo, pabor siya at inaabangan niya ang magaganap na eleksyon sa BARMM sa 2025 para tuluyan nang mangkaroon ng katatagan ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing rehiyon. Ito’y ikinatuwa ni McConnell – dahil iyon din naman ang kanilang minimithi para sa Pilipinas.

Napag-usapan din ang hinggil sa trabaho lalo na patungkol sa OFWs na kung saan malaki ang naiambag nito sa ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit kumulang 200,000 na OFWs sa UK.

BASAHIN  University of Manila: Todas lahat nang kumakalaban! – Tulfo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA