33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Laguna Lake, isinusulong na maging major fish source

ISINUSULONG ng gobyerno ang revival ng Laguna de Bay— ang pinakamalaking fresh
water lake sa bansa — na maging pangunahing pagkukunan ng isda ng mga residente
ng Metro Manila at kalapit-lalawigan.


“Our aim is to produce more food at lower prices… [Let’s] bring back bangus prices to
₱50 to ₱70 per kilogram.,” ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ng Department of
Agriculture (DA) kamakailan.


Sinabi ng Kalihim na ang 940-square-kilometer Laguna de Bay ay kayang mag-prodyus
ng hanggang 90,000 tonelada ng bangus at iba pang isda sa loob ng isang taon at
nakapagbibigay ng hanapbuhay sa higit 13,000 mangingisda.

BASAHIN  56 na Lalawigan, mabibiktima ng El Niño


Noong 1999, ipinatupad ng Laguna Lake Dev’t. Authority ang zoning and management
plan na nagtatalaga ng 10,000 ektarya para sa fishpen operations, 5,000 ektarya para
sa fish cages pati na rin sanktwaryo ng mga isda, at daanan ng mga bangka para sa
open fishing. Pero nasisira ang lawa dahil sa patuloy na polusyon.


Inaalagaan dito ang bangus, tilapia, mudfish, white goby, ayungin, catfish, kanduli, at
karpa.


Hiniling ng ilang grupo ng mangingisda sa lawa na umaksyon ang DENR para tuldukan
na ang patuloy na polusyon — partikular mula sa mga pabrika at subdivision.

BASAHIN  Smuggled sugar, P70/kilo sa Kadiwa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA