33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

PCSO, inaming edited ang mga larawan ng lotto winner

Inamin mismo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na edited ang inilabas nilang mga larawan ng mga nananalo sa lotto kamakailan.

Sa pagdinig sa senado, ipinaliwanag ni PCSO General Manager Mel Robles na pinapalitan nila ng suot na damit ang mga winner upang maitago ang kanilang pagkakakilanlan.

Ginawa aniya nila ito matapos magreklamo ang isang lotto winner na nakilala siya sa post ng PCSO dahil sa kanyang suot na damit.

Humingi naman ng paumanhin si Robles kaugnay sa kanilang poor editing skills kasabay ng pagtiyak na lehitimo naman ang mga nanalong mananaya sa lotto.

Samantala, iginiit naman ni senador Raffy Tulfo ang pagsasagawa ng executive session kasama ang mga opisyal ng PCSO, upang pag-usapan ang mga reklamo kaugnay sa mga lotto winner.

BASAHIN  Dahil sa patuloy na blackout sa Panay: ₱1.5-B mawawala sa Iloilo

Layon nito na matukoy ang pagkakilanlan ng mga nanalo kasunod ng impormasyon na ang nanalo sa   e-lotto ay kakilala ng mga opisyal ng PCSO na sinasabing nag-invest sa kanila ng ₱30 million.

BASAHIN  Dapat astig ang pinuno ng mga guwardiya sa NBP- Robin

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA