33.4 C
Manila
Sunday, July 13, 2025

Pag-import ng poultry products mula Japan, ipinagbawal ng DA

Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng poultry products mula sa Japan dahil sa outbreak ng avian influenza.

Sa Memorandum Order na nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipinag-utos din nito ang pagsuspinde sa pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa inward shipment ng mga wild bird at poultry product mula sa naturang bansa.

Sinabi pa ng DA na nakatakdang ibalik, kumpiskahin o sirain ang mga poultry product at wild bird na naipadala o naibyahe na sa pilipinas pagkatapos ng November 10, 2023.

Inilabas ng ahensya ang ban matapos iulat ng ministry of agriculture, forestry, and fisheries ng Japan sa World Health Organization for Animal Health ang pagkalat ng highly pathogenic avian influenza noong November 28, 2023.

BASAHIN  Pinoys, ligtas sa lindol sa Japan; 100,000 residente, inutusang mag-evacuate

Una nang ipinagbawal ng DA ang pag-aangkat ng poultry products mula sa California at Ohio sa Amerika dahil sa outbreak ng bird flu o highly pathogenic avian influenza.

BASAHIN  20,000 Guro, kailangan sa Taiwan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA