Lalo pang bumaba ang temperatura sa Baguio City nitong Miyerkules.
Ayon sa PAGASA, naitala kahapon ang 12.4°C na temperatura sa lungsod.
Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa sa tinaguriang “City of Pines,” ngayong taon.
Sinabi pa ng state weather bureau na posibleng magkaroon ng 13°C hanggang 15°C na temperatura sa lungsod sa susunod na tatlong araw.
Una nang sinabi ng PAGASA na magpapatuloy ang mas malamig na temperatura sa baguio city dahil sa northeast monsoon o Amihan.