Tulungan ang 700 OFWs sa NZ – Villanueva; Riots sa New Guinea, apektado ang OFWs?

0

ISANG bangungot!


Ganito inilarawan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang nararanasan ng mga
manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho sa New Zealand, noong nakaraang
taon.


Dahil dito, hinimok niya ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of
Foreign Affairs (DFA) na tiyaking makukuha kaagad nila ang back pay at benepisyo sa
tamang oras.


Dapat daw kumilos kaagad ang DMW at DFA para hindi na maulit pa ang karanasan —
ng ating mga manggagawa sa New Zeland — ang “bangungot” na nangyari sa mahigit
10,000 OFWs sa Saudi Arabi na nawalan ng trabaho noong 2015 at hanggang sa
ngayon, hindi pa rin natatanggap ang kanilang sweldo at benepisyo.


Matatandaang may 700 OWFs ang natanggal sa trabaho noong Dec. 21, 2023, dahil
nagsara na ang kompanyang ELE, isang skilled labor agency na kumuha sa kanila para
magtrabaho. Nangako ang ELE na babayaran nila ang naiwang sweldo pero hindi
nilinaw kung kalian ito gagawin.

New Guinea Riots

Samantala, sinabi ni Villanueva na dapat aktibong ma-monitor ng DMW at DFA ang
mga kaganapan sa Port Moresby, Papua New Guinea, dahil sa mga naiulat na
bayolenteng pag-atake kamakailan.


Ayon sa “New York Times” nasa state of emergency ngayon ang bansa dahil sa patuloy
na riots na nag-ugat sa pagbawas sa sweldo ng mga kawani at opisyal ng pulisya,
militar, at iba pang public servants na dahilan para mag-walkout sila sa kanilang
trabaho. Computer glitch o problema sa computer system ang sanhi ng aksidenteng
pagbabawas ng sweldo.


Wala pang anomang ulat kung may nasaktan o naapektuhang OFWs sa bansang ito.

About Author

Show comments

Exit mobile version