Tv show ni digong, dapat imbestigahan ng MTRCB – Solon

0

ISANG araw matapos ireklamo ng grave threat ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro
si dating Pangulong Rodrigo Duterte, hiniling niya ang MTRCB na imbestigahan ang programa
ni Duterte na nagbubudyo ng karahasan.


Sinabi ni Castro na magpa-file siya ng reklamo sa MTRCB o Movies and Television Review
and Classification Board at maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa
programa ni Duterte na Gikan sa Masa, Para sa Masa, na ipinalalabas sa Sonshine Media
Network Inc. (SMNI).


Sinabi ni Castro na pinagbataan siya ni Duterte sa Oktubre 10 na episode ng programa.
Bagama’t ang live stream ay inalis na, ang video ng programa ay available pa online.

“Ito nag-a-advocate ng violence, hindi niyo ba ‘to iimbestigahan MTRCB at KBP? Baka mag-
file kami ng complaint sa MTRCB at KBP,” saad ni Castro nitong Miyerkules. Pero hindi
miyembro ng KBP ang SMNI.


“Pinag-iisipan namin yung program na nag-a-advocate ng misinformation tulad ng programa ni
dating Presidente Duterte, yung programa ng dalawang notorious na red tagger na kilala na natin
‘yun. Yun ang pinag-iisipan nating ireklamo,” ayon kay Castro.


Samantala, binalingan ni Castro si Davao City Rep. Paolo Duterte nang sabihin nito na hindi
raw dapat maging balat-sibuyas ang mga opisyal ng gobyerno.


Hinamon niya si Dueterte na ibunyag ang nalalalaman nito tungkol sa kanya, pati na iba pang
miyembro ng Makabayan bloc.


“Hindi na presidente ang tatay niya. Kailangang harapin na niya (ex-President Duterte) ang
consequences at accountability na gagawin niya ngayon,” pagdiriin ni Castro.


“Yung alam niya tungkol sa amin, eh di sabihin niya! …Ano ba ang alam niya sa amin? Hindi
naman kami natatakot na ibulgar niya yun, kung ano mang alam niya.”

About Author

Show comments

Exit mobile version