33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Siomai King: Hari ng franchising business

HARI pa rin ang Siomai King, kahit saan daanin, sa pangalan man o maging sa pagiging
mumber one sa franchising business.


Ito’y dahil sa kinilala ang Siomai King bilang “Franchising Hall of Famer of the Year” ng
Asia Leaders Awards (ALA).


Ang pagkilala bilang Hall of Famer ay isang milestone sa Siomai King dahil napili ito
bilang “Franchising Company of the Year” sa tatlong sunod-sunod na taon — 2020,
2021, 2022. Noong nakaraang taon, kinilala ito bilang Hall of Famer.


Pinangunahan ni H.E. Dato Abdul Malik Melvin Castellino, Ambassador ng Malaysia sa
Pilipinas, ang paggawad ng award, kasama sina Andrew Nicolas, CEO, Tag Media
Group at Engr. Grace Bondad Nicolas, COO.

BASAHIN  Ease of paying taxes bill, aakit ng dayuhang investors


Mahigit 3,000 indibidwal ang dumalo sa special awarding ceremonies nitong Enero 7
sa Metrotent Convention Center, Pasig City.


Pinatunayan lamang ng Siomai King na ito ang nagunguna sa food cart business sa
bansa, sa pagkakaroon nito nang mahigit na 1,000 sangay sa buong bansa.


Ayon kina Jonathan So at Carlito Macadangdang, founders ng kompanya, ang
tagumpay ng Siomai King ay hindi lang ayon sa masasarap na pagkaing pamimilian,
mas higit pa rito ang “adaptability, creativity, and resilience”.


Malaki ang naitulong sa tagumpay ng kompanya ang pagpapalit ang transformation
mula sa makalumang food cart business tungo sa “oneline franchise” platform.

BASAHIN  POGO ipasasara na

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA