“HANEP!”
Ito ang maikling deskripsyon ng ilang Muntinlupa traffic enforcers matapos nilang
matanggap ang 16 na brand-new Kawasaki motorcycles nitong Enero 8.
Layunin nang pagbili ng mga bagong motorsiklo ang pinaigting na kampanya ng
pamahalaang lungsod laban sa mga motoristang lumalabag sa traffic rules.
Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, ang kanilang aksyon ay magsisilbing babala
laban sa mga pasaway o nakainom na motorista. Nai-turn over na kamakailan ang
mga motorsiklo sa enforcers ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB).
“To those who regularly disobey road rules and regulations, you have been warned;
sorry if our enforcers catch up to you,” saad ni Biazon.
Isa raw mahusay na upgrade — ang mga bagong Kawasaki 400 cc na legal na gamitin
sa loob ng South Luzon Expressway para habulin at hulihin ang traffic violators.
Bilang paalala ni Biazon sa mounted traffic enforcers, “Enforce road rules and
regulations faithfully and efficiently, and you can be sure that I will personally support
their endeavors as they apply the peace and order component of the 7K Agenda.”