33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Natatanging mangingisda sa Navotas City, kinilala

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolksa sa taunang Araw ng Mangingisda, bilang bahagi ng 118th Navotas Day celebration.

Hinirang na Most Outstanding Fisherfolk si Orlando Dela Cruz mula sa Barangay Tangos South.

Binigyang diin ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na mahalaga ang pangingisda sa kanilang lungsod.

“Fisheries is the pillar of our city. Navotas would not have reached its current success if not for its hardworking fisherfolk,” ayon kay Mayor Tiangco.

Samantala, si Dela Cruz at iba pang awardees ay nakatanggap ng plaque of recognition, cash prizes, at NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship grants para sa isa sa kanilang mga miyembro ng pamilya.

BASAHIN  Single-ticket system para sa lumalabag sa batas-trapiko - Zamora

Sa ilalim ng NavoBangkabuhayan program, pinagkalooban ng Navotas LGU ng fiberglass boats at fishing gears ang 20 rehistradong mangingisda.

Maliban dito, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng mga lambat, lubid, at boya.

BASAHIN  Serbisyong hatid ng PCUP, iba pang ahensya patok sa mga maralitang taga-Caloocan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA