33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

170,000 Pabahay para sa NCR urban poor

IPINAHAYAG ni Sec. Jose Rizalino Acusar ng Department of Human Settlements and
Urban Development (DHSUD) na may nakalaang 170,000 na pabahay ang ahensya sa
55 lokasyon sa Metro Manila.


Ang proyekto ay nasa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program o 4PH
sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sa isang pagpupulong kahapon sa Pasig ng DHSUD, Department ng Interior and Local
Government (DILG), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi ni
Acuzar na naglalayong tugunan ng proyekto na makapagtayo ng disenteng bahay at
para maharap ang potential na paglakas nang lumalagong sektor ng ating ekonomiya.


Idinagdag pa niya na balak ilipat ang informal settlers sa Metro Manila sa isang
“staging area” at manantili sila roon sa loob ng isa hanggang dalawang taon habang
ang 4PH project ay under construction. Kapag natapos na ang proyekto, lahat ng
informal settlers ay ililipat sa kanilang bagong bahay.

BASAHIN  Patung-patong na kaso isinampa ng ‘Task Force Kasanag’ laban kay Sen. Mark Villar


Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na may malaking papel ang mga lokal na
pamahalaan sa Metro Manila ay para alamin ang mga bakanteng lupa ng gobyerno na pwedeng pagtayuan ng pabahay at bahagi nito’y magsisilbi na ring pansamantalang
tirahan o “staging area”.


Ayon kay MMDA Chair Don Artes, ang bawat mayor sa Metro Manila ay magsasagawa
ng imbentaryo o data base ng informal settlers sa kani-kanilang hurisdiksyon, pati na
4PH sites.


Ayon naman kay San Juan mayor at Metro Manila Commission president Francis
Zamora, magbibigay daw ng cash incentives sa mga may-ari ng bakenteng lupa na
pwedeng gamitin bilang “staging areas”.

BASAHIN  6 katao patay sa lindol sa Mindanao

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA