Nagsanib pwersa ang National Bureau of Investigation at e-wallet firm na GCash upang imbestigahan ang mga naglipanang online scams.
Sa pamamagitan ito ng isang Memorandum of Agreement, kung saan magbabahagi rin ng mga impormasyon at datos ang magkabilang panig kaugnay sa cybercrime trends upang mapigilan ang mga ito.
Binigyang diin ni NBI Director Medardo de Lemos na mahalaga ang pakikipagtulungan sa financial technology firms upang imbestigahan ang mga cybercrime, kung saan karamihan sa mga apektado ay e-wallet accounts.
Iginiit naman ni Ren-Ren Reyes, Pangulo at CEO ng G-Xchange Inc., na ang naturang partnership ang magpapabilis sa imbestigasyon sa mga krimen na may kinalaman sa GCash accounts.