33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Mga Villar, huwag dedmahin ang illegal reclamation issue – Lao

SINISISI si Selwyn Lao, isang resort owner, dahil sa pagbaha sa apat na subdibisyon sa
Parañaque City, matapos tanggihan ang alok ni Doc Jemelene “Jem” Qui, chair, barangay
Moonwalk na resolbahin nang pasikreto ang isyu sa illegal reclamation ng Baloc-Baloc
creek.


“How will we be set up (sic) so that the issue of the [clogged] river [be resolved}?… I can
take action to keep people calm in my area,” bahagi ng email ni Qui kay Lao.


Hindi malinaw sa email ni Qui kung ano ang ibig sabihin nang “palalabasin daw sa
usapan na ‘yung property lang ni Lao ang tinambakan at nabarahan,” sa wikang English.


Sinabi ni Lao na ang isyu nang pagbara ng Baloc-Baloc creek ay wala sa kapangyarihan ni
Qui at ng barangay, ito ay dapat tugunin ng national government, partikular ang
Department of the Interior and Local Government, MMDA, at pamahalaang lungsod ng
Parañaque.

BASAHIN  200 katao nakatanggap ng libreng medical assistance mula kay Pasig VM Dodot Jaworski, Robinsons Land


“So, why is she pursuing this and offering me a secret negotiation?” Dapat daw
manguna ang mga nabanggit na ahensya ng gobyerno pati na rin Camella Homes na
resolbahin ang pagbaha, ani Lao.


“If the Villars do not come out, that problem will not be solved. They cannot solve the
problem until they face the truth of who was behind the titling of the creek,” ani Lao.
Nananatili pa ring tikom ang bibig ng mga Villar at Camella Homes sa mainit na isyu.
Samantala, nagtungo raw si Lao sa tanggapan ni Qui kamakailan at naghintay ng halos
isang oras, pero hindi raw siya hinarap nito.


Muling binanggit ni Lao, na ang creek malapit sa kanyang resort ay man-made na
hinukay noon ng construction firm nina dating Senate president Manny Villar at current
Senator Cynthia Villar, na siyang nag-reclaim ng orihinal na Baloc-Baloc creek at
tinayuan na mga bahay sa ibabaw nito.

BASAHIN  MMDA motorcycle driving academy, bukas na


Bukas ang Brabo News para sa paliwanag ng mga Villar.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA