33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

BI, nakapagtala ng 30,000- 31,000 daily passenger departures matapos ang New Year celebration

Nakapagtala ang Bureau of Immigration ng 30,000 hanggang 31,000 daily passenger departures sa lahat ng international airports sa bansa matapos ang pagdiriwang ng bagong taon.

Ayon sa ahensya, mas mataas ang nabanggit na numero, kumpara sa 21,000 hanggang 25,000 daily departures sa unang linggo ng December 2023. Aabot sa mahigit 3.2 million ang kabuuang bilang ng mga umalis na pasahero na naiproseso ng BI noong 2023, kung saan mahigit 1.2 million dito ay naitala noong Disyembre.

Karamihan sa outbound travelers noong nakaraang taon ay South Koreans, Americans at Chinese nationals.

Samantala, mahigit pitong milyong mga Pilipino naman ang umalis ng bansa noong 2023, kung saan karamihan sa mga ito ay overseas workers at turista.

BASAHIN  Halos 50-K arrivals, naitala ng Bureau of Immigration

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA