Dahil sa matagal na hindi pa nakababalik sa TV si Willie Revillame, tila purdoy na raw
ito, kaya ibinebenta diumano ang kanyang luxury hotel-resort and restaurant sa
Tagaytay City.
Sa halagang ₱1 bilyon na nasa limang ektaryang lupain, sobrang mahal daw ng presyo
ng property kaya tila mahirap daw ihanap nang seryosong buyers nito.
Tila raw nasa buy-and-sell ng real estate ang pinagkakaabalahan ngayon ng game-
show producer at host.
Dahil mahirap ang proseso nang pagpasok ng programa ni Willie sa PTV-4, hindi muna
matutuloy ang kanyang mainstream TV comeback; hanggang sa social media muna
siya.
Ayon sa ilang fans, atat na atat na silang makita ang kanilang idol na si Willie at
makakipagsaya’t manalo ng pera sa kanyang programa.