33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

MMFF, patuloy na dinudumog ng movie fans

Aliw na aliw at tuwang-tuwa!


Ito ang makikita sa mukha ng maraming movie fans habang lumalabas sila sa mga sinehan, matapos makapanood ng mga pelikula sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival (MMFF).


Labis daw naka-relate ang isang single mother matapos niyang mapanood ang kanyang idol na si Sharon Cuneta sa pelikulang “A Family of Two”, with Alden Richards.


Umani rin nang papuri mula sa mga manonood ang pelikulang “Firefly”, lalo na sa kabataan.


Hindi lamang laksa-laksang fans ang natuwa sa kakaibang entries ngayon sa MMFF, pati na
rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil mas marami ang tumangkilik
ngayon ng festival, kumpara noong 2022.


Sinabi ni MMDA Chair Don Artes, “Bukod sa mahahabang pila sa mga sinehan simula pa
noong Disyembre 25, mas Malaki ang kinita sa unang araw ng festival ngayong taon kumpara sa bentahan ng ticket sa unang araw noong 2022.”

BASAHIN  ‘Rewind’ highest grossing film sa 2023 MMFF


“Nagpapatunay daw ito na ang bawat [isa sa] 10 film entry ay kahanga-hanga at tunay na de-kaledad. Tunay na bumalik na ang sigla ng publiko sa panonood sa mga sinehan,” dagdag ni Artes.


Nagbabala si Artes laban sa fake news na kumakalat sa Internet na nagpapakita ng kinita ng bawat pelikula.


Wala raw anumang inilalabas ang MMFF na ranking o kinita ng bawat pelikula para maiwasan na maapektuhan o maimpluwensyahan ang desisyon ng mga manonood.


Nais daw ng pamunuan ng MMFF na makapagbigay nang pantay na exposure, spotlight, at
suporta sa bawat isa sa sampung pelikula.

BASAHIN  ₱869-M backwages sa Saudi OFWs, babayaran na

Related Posts:

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA