33.4 C
Manila
Monday, January 20, 2025

Marcos, pinalitan ang pangalan ng 8 PNP camps

Pinalitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangalan ng walong kampo ng PNP
bilang pagkilala sa mahusay ng serbisyo at walang-kapantay na sakripisyo ng mga dating pulis
nito.


Ayon sa Palasyo nitong Miyerkules, karapatdapat daw na bigyang parangal ang mga
retiradong pulis ng PNP o Philippine National Police, na nagpamalas ng hindi-matatawarang
debosyon sa mga lalawigan at bayan na kanilang pinagsilbihan.


Sa ilalim ng Presidential Proclamation (PP) No. 429, tatawagin na ngayong: Camp Brigadier
General Ludovico Padilla Arejola ang PNP in Pasacao, Camarines Sur; Captain Salvador
Jaucian del Rosario Sr., ang Camarines Sur Police Regional Office 5; at Camp Colonel Juan
Querubin Miranda ang Camarines Sur Police Provincial Office.


Tatawagin na rin ngayong: Camp Brigadier General Efigenio C. Navarro ang PRO Mimaropa
Headquarters, at Camp Police Sr. Inspector Max Jim Ramirez Tria ang 50th Maneuver
Company Regional Mobile Force Battalion 5. Si Tria ang isa sa SAF 44 na nagbuwis ng
buhay noong 2015 Mamasapano siege sa Maguindanao.

BASAHIN  170,000 Pabahay para sa NCR urban poor


Samantala, sa ilalim ng PP No. 430, tatawaging: Camp General Paulino T. Santos ang Police
Regional Office 12, General Santos City; Camp Private Andres P. Dadizon ang Police
Regional Office 8 at Biliran Police Provincial Office; Camp 2Lt Carlos Rafael Paz Imperial
ang Camarines Sur 1st Provincial Mobile Force Company Headquarters, Police Regional
Office 5.


“It is fitting to give honor to former servicemen who have shown patriotism, courage, and
dedication in serving the country and the provinces to which they are assigned and
distinguished themselves in their service to the nation by way of naming and renaming PNP
facilities in their honor,” pagtatapos ni Marcos.

BASAHIN  Sen. JV: Pinasadsad ng tatay ko ang BRP Sierra Madre

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA