33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Samboy Lim Law, dapat nang ipatupad (Part 1)

Ano ang Samboy Lim Law?

Ayon kay Atty. Darlene Marie Berberabe, dating CEO ng PagIbig Fund, na noong Hunyo 30, 2016 ang Samboy Lim bill o ang Basic Life Support Training in Schools Act (R.A. No. 10871) ay nag-lapse at automatic na naging batas.

Idinagdag pa ng biyuda ni Samboy — sa isang interview ng ABS-CBN kamakailan — na  bagaman isa nang ganap na batas ang Samboy Lim Law, hindi pa ito tuluyang maipatupad dahil daw sa kakulangan ng pondo para rito.

Nire-require ng R.A. No. 10871 ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa na ituro sa lahat ng kanilang estudyante ang pag-a-administer ng life support training sa amamagitan ng psychomotor training o CPR na naayon sa edad ng estudyante.

Ayon sa Philippine Heart Association (PHA), na siyang nagpanukala ng batas, lubhang kritikal ang CPR o Cardio Pulmonary Resuscitation – lalo na kapag wala nang pulso o paghinga ang biktima sa loob ng 10 segundo – at kapag hindi ito agad nagawa ng isang  eksperto o mahusay sa CPR, ito ay mangangahulugan ng kamatayan o pagiging comatose ng pasyente. Ganito ang nangyari kay Samboy noong 2014 nang siya ay dumanas ng cardiac stroke sa isang basketball game.

BASAHIN  De Lima, kakasuhan ang mga umusig sa kanya

Ayon sa datos ng Brabo News, itinuturo at isinasagawa ang CPR sa emergencies sa Norway magmula pa noong 1960. May 27 states sa Amerika ang nag-utos nang patuturo ng CPR sa lahat ng high schools nito, at nagsimula na ring ituro ito sa Malaysia, Singapore at Japan.

Sa mahigit sa walong bilyong populasyon ng mundo — bukod sa medical professionals — mayroon lamang 5.4 milyong mga tao ang kwalipikadong magsagawa ng CPR, ayon sa 2019 International Liaison Committee on Resuscitation World.

Dahil dito, kailangan nang agad pondohan ng gobyerno at tuluyang maipatupad ang Samboy  Lim Law simula sa 2024, para mabawasan ang maging comatose o kamatayan ng biktima ng stroke.

Si dating Rep. at national basketball coach Yeng Guiao ang nagpanukala ng Samboy Lim Law noong 2015, sa inisyatibo ng PHA.

BASAHIN  P33.5-M na halaga ng bangos sa Taal Lake, nasayang dahil sa fish kill

Samantala, nagpapasalamat si Atty. Berbarabe at anak na si Jamie sa lahat ng mga nag-alay ng panalangin, suporta, at pampatibay-loob hindi lamang mula sa PBA, FIBA, at iba pang organisasyon ng basketball, kundi pati na rin sa maraming kabataan na nabago ang buhay dahil sa inspirasyong iniwan ni Samboy Lim.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA