Matapos ang anim na taon, aarangkada na simula bukas ang rutang Naga-Legazpi ng Philippine National Railways.
Ayon sa pamunuan ng PNR, magkakaroon ito ng apat na biyahe araw – araw mula Naga City, Camarines Sur hanggang Legazpi City, Albay at vice versa.
Hihinto ang tren sa mga istasyon ng Naga, Pili, Iriga, Polangui, Ligao, Travesia, Daraga, at Legazpi.
Mayroon din itong walong flag stops sa Baao, Lourdes, Bat, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.
Nasa ₱15 hanggang ₱155 ang pamasahe rito at maaaring mag-avail ng discount ang mga senior citizens, mga estudyante at persons with disability, basta’t ipiprisinta lamang ang kanilang identification cards o ID.