Epektibo na simula bukas ang malakihang dagdag sa presyo sa produktong petrolyo.
Eksaktong alas dose uno ng hatinggabi, ipatutupad ng Caltex ang ₱1.60 na umento sa kada litro ng gasolina.
Aabot naman sa ₱1.70 ang dagdag sa kada litro ng diesel; at ₱1.55 naman sa bawat litro ng kerosene.
Bandang 6:00 ng umaga naman ipatutupad ng mga kumpanyang Shell at Seaoil, ang kaparehong price adjustments sa gasolina at diesel, habang ₱1.54 naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene o gaas.
Una nang sinabi ng Department Of Energy – Oil Industry Management Bureau na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng pag-iwas ng mga kumpanya ng langis at ng mga oil tanker na dumaan sa Red Sea dahil sa pag-atake ng mga rebelde.