33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Zero passing rate sa LET aaksyunan ng CHEd; Jimmy Santos, webpage creator ng college sa Cainta?

Ibinunyag ni Prospero de Vera III, chair, Commission on Higher Education (CHEd) na  ipasasara nito ang mga paaralan na sobrang baba o zero ang passing rate sa Licensure Examination for Teachers (LET).

“In 2024, we will evaluate and start closing down teacher education programs… So, we’re planning to do that maybe [in] late January. We will provide you [with] the list of schools that are not performing well.”

Idinagdag pa ni De Vera na inaprubahan ng ito ng Komisyon, en banc.

Nababahala si De Vera dahil sa dumaraming mga kolehiyo ang may mababang passing rate sa LET.

Sobrang baba raw ang passing rate ng ilang paaralan, meron pa nga raw na nakakuha ng zero o walang pumasa kahit isa.

Inaayos pa raw ng CHEd ang datos at gumawa sila ng ranking ng mga kolehiyo at unibersidad base sa kani-kanilang passing rate sa LET.

“If you will close [down] programs with a passing rate of 25 percent and lower, which is already low, you will close [down] 25 percent,” dagdag pa niya.

BASAHIN  P5.7 Trilyong budget, isinumite na sa Kongreso

Binibigyan din ng CHEd ang sangkot na mga paaralan ng tatlong taon para ayusin ang kanilang curriculum at sistema nang pagtuturo, pagkatapos nito, isasara nila ang paaralan o ang teacher program kapag walang anomang pagbabago sa performance nito sa LET.

Sa isang pag-aaral na ginawa kamakailan ng Philippine Business for Education, ipinakita nito na mayroon lamang average 40 percent sa mga kumuha ng LET sa loob ng 12 taon ang nakapasa.

Sa mga institusyon, 56 percent lamang sa 2,356 teacher education institutions ang may passing rate na mas mababa pa sa 12-taong average ng bansa.

Sinabi pa ni De Vera na ang mga hindi kwalipikadong faculty at mababang uri ng curriculum ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit mababa ang passing rate sa LET ng maraming paaralan.

“There are schools whose dean is not qualified, their faculty are also not qualified, etc.,” dagdag pa niya.

Mayroon daw 54,000 LET passers sa buong bansa ang hindi nagtatrabaho bilang guro. Ang ibig daw sabihin nito, kahit na hindi tayo makapag-produce ng education graduates sa loob ng isa hanggang dalawang taon, mayroon pa tayong sapat na guro para kunin, pagtatapos ni De Vera.

BASAHIN  Abril ng bawat taon, balak gawing “Basketball month”

Samantala, hiniling ng isang netizen na imbestigahan ng CHEd ang mababang kalidad nang pagtuturo sa isang public tertiary institution sa Cainta, Rizal, dahil bukod sa sangkatutak ang grammatical errors ng webpage nito – na tila ba si Jimmy Santos ang creator – diumano, hindi raw kwalipikado ang mga nagtuturo ng teacher education program.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA