Binigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 1,080 public utility vehicles na mag-operate hanggang Enero 14, 2024 lamang.
Ito ang opisyal na pahayag ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III habang inaatasan niya ang mga kumpanya ng bus na tiyaking roadworthy ang kanilang sasakyan para ligtas na makabyahe ang mga pasahero ngayong panahon ng Kapaskuhan.
“As we approach the festive holiday season, I order all bus companies to implement stringent safety measures, including the strict adherence to traffic regulations, proper maintenance of vehicles, and the provision of comfortable and well-maintained buses for passengers,” saad ni Guadiz.
Pinayuhan din ni Guadiz ang commuters na hindi dapat magtangkang sumakay sa mga colorum vehicles na bumabyahe dahil hindi tiyak kung roadworthy ito ang kung kwalipikado ang driver o maayos ang kundisyon nito sa pagbyahe. Hindi rin daw sakop ng insurance ang mga pribadong sasakyan na ginagamit na pampubliko.