33.4 C
Manila
Thursday, January 23, 2025

Munti, ipinagdiwang ang ika-106 taon nang pagkakatatag

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-106 na taon nang pagkakatatag nito bilang isang malayang yunit ng lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, kinilala ng lungsod ang mga indibiduwal na nagpakita nang kahusayan, ayon kay Mayor Ruffy Biazon.

“Firstly, as a local government unit envisioning itself to become a leading investment hub and a model smart city, we have achieved milestones and recognitions that prove we are stepping up the ladder of success year after year,” sinabi ni Biazon.

“ Secondly, as a people, celebrating the triumphs and successes of our fellow Muntinlupenos – who, in their respective fields and own ways, helped make the city truly nakakaproud,” aniya pa.

Binanggit din ng mayor ang mga tagumpay na natamo ng lungsod sa buong taon, gaya nang pagtanggap ng Seal of Good Local Governance for 2023 ininawad ng Department of Interior and Local Government, at ang Sustainable Development Goal Award on City, Climate Action Category ng CityNet, isang global advocacy body, atbp.

BASAHIN  Pasok sa trabaho, eskwela sa San Juan City, tuloy sa kabila ng tigil-pasada

Pinarangalan din sa anibersaryo ang mga retiradong kawani pati na Top 3 Most Outstanding Employees mula sa 12 finalists.

Kinilala rin ang mga nagwagi sa PaMaNang Nakakaproud Most Improved HOA and PaMaNang Nakakaproud Cleanest & Most Orderly Subdivisions mula sa 69 gated subdivisions na kalahok.

“Muntinlupa remains a beacon of strength and resilience. Our city has weathered storms, both literal and metaphorical, and emerged stronger each time. As we reflect on the past year, let us not only acknowledge the challenges we faced but also celebrate the victories, both big and small, that have shaped our community,” pagtatapos ni Biazon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA