33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Lisensya ng Angkas rider na nagtangkang nangmolestiya ng pasahero, suspindido

Ginawaran nang 90-araw na preventive suspension ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng isang Angkas rider na nagtangkang mangmolestiya ng isang pasahero sa Pasig nitong Nobyembre.

Ayon kay Atty. Vigor Mendoza II, LTO Chief at Asst. Secretary, inisyuhan ng ahensya ang Angkas rider ng show-cause order at pinag-report sa LTO-NCR bilang bahagi ng imbestigasyon.

Ang aksyon ng LTO ay bahagi ng imbestigasyon na isinagawa, matapos na ma-monitor sa social media ang insidente, ani Mendoza.

Nagsimula ang imbestigasyon ng LTO nang mag-file ng reklamo sa Raffy Tulfo in Action program at sinabi ng biktima na halos mamolestiya siya ng Angkas rider sa Barangay Manggahan, Pasig noong Nobyembre 12.

BASAHIN  Bulag na taga-kyusi, nakaakyat sa mt. Apo

Nang mapigilan ng biktima ang pagtatangka, kinuha ng Angkas rider ang cellphone at wallet ng biktima.

Sinabi ni Mendoza na sumasailalim na sa imbestigasyon ang Angkas rider sa tatlong kaso na maaaring magresulta sa pagkansela ng kanyang lisensya, kapag napatunayang guilty.

Ilan sa mga kaso ay reckless driving at improper person to operate a motor vehicle.

BASAHIN  LTO, paiigtingin ang aksyon vs. pasaway na motorista

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA