HINIMOK ni Marikina City Mayor Marcelino āMarcyā Teodoro ang kanyang mga nasasakupan
na magkaisa at patuloy na magsikap para maging matatag.
Ito ang kanyang mensahe sa ika-27 anibersaryo nang pagkakatatag ng Marikina bilang lungsod na kasabay nang pagdiriwan ng kapistahan ng Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary.
Sinabi ni Teodoro, āAs we celebrate our 27th Cityhood Anniversary, I am calling our fellow
residents of Marikina to continue to unite amidst challenges and adversitiesā¦[and] to sustain our unwavering resiliency as Marikina residents are known as strong, resilient people. The close partnership of the community and the city government is the secret of our strong resiliency,ā
Umikot sa 16 na barangay ng Marikina ang isang masayang grand motor parade na may
kasamang banda.
Bukod pa rito, magkakasabay na misa nang pasasalamat ang ginanap sa ibaāt-ibang simabahan sa buong lungsod na dinaluhan nina Mayor Marcy at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro, kasama ang mga opisyal at kawani ng lungsod.
āSa ating pagdiriwang ng atin 27th Cityhood Anniversary, ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga matatag na MarikeƱo na gumanap ng mahalagang papel sa pag-unlad ng lungsod,ā ayon kay Mayor Marcy.
āMula sa isang maliit na munisipalidad, malayo na ang ating narating sa siyudad ng Marikina. Hindi madali ang ating pinagdaanan upang marating ang kung ano- man tayo ngayonāisang maunlad, mapayapa, at progresibong lungsod,ā aniya pa.
Hiniling din ng punonglungsod sa mga kabataan ng Marikina na magsikap na makatulong para sa kaunlaran ng lungsod upang maipagpatuloy ang legasiya nito at tradisyon.
Sa kanyang maikling mensahe sa St. Gabriel Parish sa Marikina Heights, kinilala ni Rep. Maan ang pambihirang pagsisikap ng mga babaeāt lalaki ng Marikina para ito ay maging isang lungsod mula sa isang maliit na munisipyo sa Metro Manila.
āTalagang ang araw na ito ay isang blessing mula sa ating Panginoon dahil ngayong araw pong ito ay naging ganap na siyudad ang ating bayan. Marami pong mga taong naghirap at nagpunyagi upang maisakatuparan po ang pagiging city o lungsod ng ating bayan. Sinimulan po ito ng nakaraang mayor pa po, at hanggang ngayon ay ating kinikilala pa rin,ā dagdag pa niya.
Samantala, kasali sa mga aktibidad sa selebrasyon ang Christmas Shoe Bazaar at Banchetto na matatagpuan sa harap ng city hall.