Street heroes, nakatanggap ng maagang pamasko mula sa Camanava SM Malls

0

Nakatanggap ng maagang aguinaldo ang mga street sweepers, garbage collectors, at pedicab drivers sa Camanava area mula sa SM Malls sa Valenzuela, Sangandaan, Grand Central, kabilang ang SM Savemore Malabon.

Namahagi ang SM City Grand Central ng 400 Christmas cheers sa mga pedicab drivers at ilang transport groups sa Barangay 35, Maypajo, Caloocan.

Gayundin ang SM Center Sangandaan at SM Savemore Malabon, kung saan namigay ito ng Christmas Cheers sa 190 at 120 street clearing personnel at jeepney drivers sa Malabon, Navotas, at Caloocan City.

Aabot naman sa 190 Christmas packs ang ipinagkaloob ng SM City Valenzuela sa essential street workers na residente ng Barangay Karuhatan.

Layon ng joint project ng SM Foundation Inc., at SM Supermalls na SM Christmas Cheers na magbigay ng saya at pagmamahal sa mga komunidad.

Kinikilala ng SM ang hirap ng mga street workers, tulad ng taga-walis, basurero at pedicab drivers dahil sa kasipagan at dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho.

Samantala, nakatakda namang mamahagi ng regalo ang SM City Grand Central at SM Center Sangandaan sa mga kabataan sa Tahanang Mapagkalinga Social Development Center sa darating na December 19, 2023.

About Author

Show comments

Exit mobile version