Engineers, atleta ng Muntinlupa, inspirasyon sa lahat

0

Inspirasyon!

Ganito inilarawan ni Multinlupa Mayor Ruffy Biazon ang mga engineer at atleta ng lungsod
dahil sa kanilang mahirap-mapantayang tagumpay.


Aniya, “It is our hope that your success will continue to inspire and bring honor to our city.”


Ito ay dahil sa kahusayang ipinakita ng mga estudyante sa Muntinlupa na pumasa sa civil
engineering board examinations, pati na rin mga atleta nag-uwi ng karangalan sa katatapos na kumpetisyon sa Asian level ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP).


Todo-ngiti ang mga bagong civil engineers na pumasa sa board exam na nagmula sa Colegio de Muntinlupa (CDM) na nagkaroon nang passing rate na 75 percent — mahigit doble sa national average na 33 percent — sa katatapos ng licensure examination na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC).


Sina Engineers Flix Mowry Cambahe, Kathleen De Guzman, Via Cris Echavez, Francisco Tan,
Ericka Valdisimo, at Christian John Yabillo ang bagong licensed civil engineers na mula sa
CDM.


Wow na wow pa rin ang Muntinlupa dahil sa karangalang ibinigay ng UAAP Most Valuable
Player na si Karl Kevin Argana Quiambao ng De La Salle University. Siya ay mula sa
Barangay Bayanan.


Nabingwit naman ang gold ni Aidanreed Mercado sa Sprint Men Junior Elite at silver ni
Sophia Kyra Capistrano sa Junior Elite Women Category, sa katatapos na 2023 Asia Triathlon Duathlon Championship.


Hindi makukumpleto ang listahan ng inspiring atheletes ng lungsod kung wala si Jerome
Nelmida, visually-impaired, na naging top 5 noong Nob. 24 sa Extraordinary Filipinos with
Disabilities 2023 competition ng National Council on Disability Affairs (NCDA).


Hindi lamang si Mayor Biazon ang todo-ngiti sa tagumpay na ito, lalo na ang achievers, mga pamilya nila, at bawat mamamayan ng lungsod — partikular ang kabataan, na nakakuha ng inspirasyon mula sa kanila upang lalong magsikap mag-aral para magtagumpay.

About Author

Show comments

Exit mobile version