Munti, kinilala ang top 10 taxpayers sa lungsod

0

KINILALA ng Lungsod ng Muntinlupa ang top 10 early taxpayers, para maengganyo ang
iba pang magbabayad ng buwis nang maaga.


Nanguna si Mayor Ruffy Biazon sa pagkilala, sa isang programa na ginanap sa
Muntinlupa Sports Center (MSC) nitong Enero 8, isa ilalim ng superbisyon ng Business
Permits and Licensing Office (BPLO).


Ang unang 10 “Early Bird” taxpayers ay ang: 1) Mama Nene Store, 2) Mini-Mini
Store, 3) Beecube, Inc., 4) Bob Garon & Vandervoort Consultancy Inc., 5) Chaulameir
Enterprises, 6) Erchie Appliance Parts, 7) Oost & Voort, Inc., 8) Russel Ramos T-shirt
Services, 9) People’s Choice Apartment, at 10) Aurelio Alquiros Tailoring Shop.


Binigyan ng BPLO ng Certificate of Recognition at basket of groceries ang bawat isang
nabanggit.

Patuloy pa rin ang renewal ng business permit mula Lunes hanggang Biyernes,
hanggang sa Enero 20 sa MSC. Para sa mga nagre-renew, mayroong libreng
masasakyan papunta at paalis sa venue mula sa Muntinlupa City Hall.


Pwede ring mag-renew online; bisitahin ang www.muntinlupacity.gov.ph.

About Author

Show comments

Exit mobile version