Binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ilang fast food chains ang mga persons with disabilities (PWD) at senior citizens sa Muntinlupa City.
Kasunod ito ng ng memorundum of agreement (MOA) ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa Jollibee Foods Corp., para sa pagkuha ng service crew na 60-anyos pataas, at mga may kapansanan, upang magkaroon sila ng kita.
Limang senior citizens at anim na PWDs ang kinuha ng Jollibee, anim na seniors at limang PWDs naman sa Burger King, at apat na senior at apat din na PWDs sa Greenwich.
Itatalaga ang mga ito sa iba’t ibang branch ng tatlong fastfood stores sa Alabang Town Center, Festival Mall, SM Center Muntinlupa, at Shell station sa South Luzon Expressway (SLEX).