33.4 C
Manila
Friday, December 20, 2024

‘Pinas, kulelat na naman sa Reading, Math, Science

Kulelat na naman ang Pilipinas pagdating sa reading, mathematics, at science.


Sa inilabas na datos ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) and Program for International Student Assessment (PISA) 2022, ika-anim tayo sa pinakamababa sa reading at mathematics, at ikatlo sa pinakamababa sa science.


Umabot sa 81 mga bansa ang lumahok sa pagsusuri.


Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers, “Malinaw ang solusyon: unahin ang
pangangailangan ng mga estudyante at guro. Upgrade teachers’ salaries now! Fill all gaps in materials and facilities.”


Dahil sa sobrang baba ng ating ranking, labis na nadismaya ng ilang guro at education
advocates, na pwede naman daw tugunan kung tama lamang ang prayoridad ng gobyerno.


Magmula noong taong 2000, patuloy na sinusuri ng PISA ang literacy ng mga kabataang 15-anyos pababa.


Noong 2018, sa 19 na bansa na lumahok sa pagsusuri, Pilipinas ang nakakuha ng
pinakamababang scores sa reading comprehension.


Ayon sa Business for Education (PBEd), “The weaknesses in our basic education system will
eventually translate into the weakness of our workforce, affecting the productivity and key
source of our economic growth and competitiveness.”

BASAHIN  Frankie pangilinan, tepok daw sa inggit kay KC?


Samantala, ayon sa People’s Education Commission kahapon, dapat gawin kaagad ang mga
sumusunod:


 Tugunan ang kakulangan sa instructional materials o mga aklat, silid-aralan, at iba pa;
 Taasan ang sahod ng mga guro para maging kapantay ng international standards;
 Paggamit ng Filipino at iba pang lokal na wika ng pagbabasa, matematika, at agham.
 Partisipasyon ng sektor ng edukasyon, partikular ang mga guro sa paggawa ng polisiya;
 Pagtatalaga ng DepEd secretary na isang licensed teacher at may karanasan sa
pagtuturo.


Samantala, sinabi ni Lucino Soriano, dating guro ng Mandaluyong High School at University of Rizal Sytem na kulang ang mga nabanggit na panukala – hindi binigyan nang pansin ng
stakeholders ang component ng tahanan o mga magulang na dapat gumabay sa mga anak para magkahilig sila na magbasa at mag-aral ng leksyon sa tahanan, sa halip na nakababad sa gadgets o video games. Sa tahanan nakaugat ang mahusay na pundasyon ng edukasyon.

BASAHIN  VP Duterte pinuri ang pamumuno ni Marcos, Jr.


Aniya pa, ang lumalaking bilang daw ng mga magulang na nagtatrabaho sa ibayong dagat ang isa sa dahilan kaya patuloy na bumubulusok ang performance ng mga bata, dahil kalimitan, bahala na ang estudyante sa sarili niya. Kasali na rin ang mali-maling textbooks at instructional material, dagdag pa ang mga tamad na teachers at principals.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA