Walong modern patrol vehicles ang natanggap ng Caloocan City Police Station (CCPS) mula sa inisyatibo ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
Ito’y upang magamit sa agarang pagresponde sa krimen, gayundin sa anti-crime projects.
Malugod namang tinanggap ni PCol. Ruben Lacuesta ang mga mobile patrol at nagpasalamat sa patuloy na pagsuporta ng alkalde sa CCPS.
Nangako naman si PCol. Lacuesta na kanilang pagbubutihin ang serbisyo para labanan ang mga masasamang loob at krimen.
Kasabay ito, pinarangalan ni Mayor Malapitan ang city police dahil sa magandang performance ng mga ito at nangako rin ito na magbibigay ng assistance sa mga pulis para sa kapakanan ng mamamayan.
Related Posts:
Sari-sari stores, karinderya sa Marikina City, exempted sa business permit, tax
Serbisyong hatid ng PCUP, iba pang ahensya patok sa mga maralitang taga-Caloocan
Mahigit 9,000 trabaho, alok sa Mega Job Fair sa Caloocan City
Angara sa mga kontra CSE: Bukas ang DepEd sa inyong mga mungkahi
₱170-K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa QC
One ID system para sa mabilis na serbisyo sa mga Pasigueño, inilatag ni Discaya
Marikina, bubuksan ang vax center para sa lahat ng sakit
Tserman sa Muntinlupa tinodas, riding-in-tandem pinatutugis ni Nartatez
About Author
Show
comments