33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Pang-aabuso sa informal workers, wakasan na – Imee

Malapit nang maisapinal ng Senado ang isang international labor treaty na magbibigay ng
parehong antas ng proteksyon sa informal workers at mga regular na empleyado laban sa pisikal,
sekswal, psychological, at ekonomiyang pang-aabuso.

Ito ang pagtaya ni Senadora Imee Marcos, chair, Senate Committee on Foreign Relations.

Aniya, irerekomenda na sa plenaryo ng Senado ang International Labor Organization Convention 190 matapos na makakuha ng “buong pagsang-ayon” mula sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno at NGOs sa pagdinig ng komite noong nakaraang linggo.

“Ang mga di-pormal na mga manggagawa ay bumubuo ng 42 porsyento ng lakas-paggawa ng
bansa, karamihan sa kanila ay mga magsasaka, kasambahay, at mga gig workers sa mga
industriya ng sining,” ayon sa senador.

Idinagdag pa ni Marcos na maaaring mas mataas pa ang bilang kung makagagawa ng isang
tumpak na pambansang imbentaryo sa informal workers.

“Kilala rin bilang Violence and Harassment Convention of 2019… ang ILO treaty na ito ay hindi
tumutukoy sa teritoryal na lugar sa trabaho, kundi sa kabuuang mga trabaho sa buong mundo,”
paliwanag pa ni Marcos.

BASAHIN  Akusasyon ng pamemeke ng mga dokumento, lomobong halaga ng kontrata ikinasa laban kina Villar, Bonoan

Para sa manggagawa, ang pinalawak na kahulugan ng lugar ng trabaho ay sakop hindi lamang sa
opisina, kasali na rin ang lugar kainan o pahingahan, pasilidad para sa kalinisan at lugar kung
saan nagpapalit ng damit, iniaalok na tirahan ng mga employer, lugar ng biyahe at social
activities kaugnay ng trabaho, pati na rin virtual na spaces kung saan nagaganap ang
komunikasyon o ugnayan tungkol sa trabaho.

Bukod sa informal workers, pinoprotektahan din ng kasunduan ang mga trainee, intern,
apprentice, volunteer, aplikante ng trabaho, at mga manggagawang natanggal na sa kanilang
trabaho.

Para sa ganap na pagsunod sa kasunduan, pinabubuo ni Marcos ang dalawang technical working
group para matukoy kung aling mga pambansang batas ang dapat baguhin at upang mag-
organisa ng isang mapagkakatiwalaang imbentaryo ng informal workers.

BASAHIN  VP Sara, nagpasalamat kay Sen. Imee

”Tatlumpu’t anim na bansa na ang nagratipika sa kasunduan at ang Pilipinas ay maaaring
maging unang bansang Asyano na gagawa nito,” ayon pa kay Marcos.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA