Iginiit ni senador Jinggoy Ejercito Estrada na dapat na tanging mga bagong miyembro ng militar
at uniformed services (MUP) sa bansa ang dapat bawasan ng kanilang buwanang sahod para
sa kanilang pensyon.
Dahil dito, itinutulak ang mandatory contribution ng new entrants sa pagrepaso ng MUP, na naging rekomendasyon ng Committee on National Defense and Security na pinangungunahan ni Estrada.
Sa inilatag niyang substitute bill para sa panukalang reporma sa MUP pension system na layong
maiwasan ang fiscal collapse sa mga darating na mga taon.
“Hindi po gagalawin, hindi po babaguhin, at hindi po papakialaman ng isinusulong nating
panukalang batas ang pensyon ng mga pensyonadong retirado. Wala rin pong magiging
pagbaba sa inaasahang pensyon ng kasalukuyang mga nasa serbisyo,” ayon kay Estrada.
Ginarantiyahan din ng mambabatas ang pagkakaroon nang mas matatag na sistema ng pensyon sa ilalim ng inihain niyang bersyon ng Senado.
Magkakaroon ng magkahiwalay na trust fund para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at
para sa mga nasa Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire
Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections
(BuCor) at commissioned officers sa National Mapping and Resources Information Authority
(NAMRIA).
Ang trust fund ay pamamahalaan ng Government Service Insurance System (GSIS) at
pangangasiwaan ng mga trust fund committee ng military at uniformed services.