5K PDLs, palalayain bago mag-Pasko

0

Makakapiling na ng nasa 5,000 persons deprived of liberty (PDLs) ang kanilang mga mahal sa buhay sa darating na Pasko.

Sa isang forum, sinabi ni BJMP chief Jail Director Ruel Rivera, aabot sa 3,500 hanggang 5,000 PDLs ang mapalalaya sa ilalim ng Good Conduct and Time Allowance (GCTA) Law o Republic Act No. 10592.

Sa ilalim ng GCTA, pinapayagan ng gobyerno ang maagang pagpapalaya sa mga preso na nagpakita ng mabuting pag-uugali habang sila ay nakapiit.

Ipinagmalaki ng BJMP chief na matagumpay nilang naipatupad ang mga utos ng korte na nagresulta sa pagpapalabas ng halos 74,000 PDLs sa unang sampung buwan ng taon.

Samantala, tinalakay din sa nasabing forum ang nalalapit na National Jail Decongestion Summit na gaganapin sa Disyembre 6 at 7 sa New World Hotel.

About Author

Show comments

Exit mobile version