33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Single Ticketing System sinimulan na sa San Juan

Sinimulan na sa San Juan City ang pagpapatupad ng single ticketing system (STS), kasabay  ng pamamahagi ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang 30 handheld devices na magagamit sa pag-isyu sa bawat paglabag ng pasaway  na tsuper. 

Pinangunahan ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, kasama sina Land Transportation Office (LTO) Regional Director Atty. Noreen San Luis-Lutey, at MMDA Chairman Romando S. Artes sa launching ng STS na unang ginawa sa San Juan City.

Ang mga ipinamahaging handheld devices ay magagamit para magbayad ng kaukulang multa sa nagawang paglabag sa batas trapiko sa pamamagitan ng online payment.

“Ako po ay nagpapasalamat at naisakatuparan din ang paglulunsad ng single ticketing system dito po sa San Juan pagkatapos po ng mahabang panahon. Kayang-kaya na po namin ilunsad ang single ticketing sa San Juan,” ayon kay  Mayor Zamora.

Nabatid na mayroong 20 common violations na maaaring magawa sa paglabag ng batas trapiko ay aprubado ng LTO at mga Metro Manila mayors. 

Ayon kay LTO RD San Luis-Lutey na ang  single ticketing system ang pagsisimula ng pagbabago ng law enforcement sa Pilipinas na kung saan sinabi naman ni MMDA Romando Artes  na nasa historic moment ang STS dahil after 28 years ay maro-roll out na fully ang single ticketing system. 

BASAHIN  Mandaluyong nanguna sa National Achievement Test

Marami na umanong nagtangka na i-implement ito pero hindi natupad hanggang sa tuluyang  nang maipatupad sa panahon ni MMDA chair at Mayor Zamora.

“Marami po tayong inayos sa sistema, sa mga ticketing device, sa payment platforms. Sa tulong ng partners, naibaba natin ‘yan sa P7. Malaking ginhawa ho iyan sa ating mga kababayan at ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng LGUs sa Metro Manila,” ayon kay MMDA Chairman Artes. 

Sinabi pa ni Chairman Artes na naglaan pa sila ng karagdagang  1,000 handheld devices na maipapamahagi naman sa ilang local government units (LGUs).

Kabilang sa common traffic violations ay  disregarding traffic signs, illegal parking attended, illegal parking unattended, unified volume reduction program (number coding scheme), truck ban, light truck ban, reckless driving, tricycle ban, obstruction, dress code for motorcycles, overloading, defective motor vehicle accessories, unauthorized modification, arrogance/discourteous conduct, loading and unloading in prohibited zones, illegal counterflow, at over speeding.

Magkakaroon ng multang P500 hanggang 5,000 with seminars depende sa violations.

“Kung dati, kung tayo ay nahuhuli, kinukuha ang lisensya. Dati, kailangan niyo pang magpunta sa lungsod kung san kayo nahuli at magbayad ng multa. Ngayon, hindi na po yan kailangan. Ngayon, kung tayo ay mahuli, hindi na kukunin ang ating lisensya. Pwede tayo magbayad through these gadgets, pay on-the-spot through digital platforms, credit cards, debit cards or you have 10 days to pay through various payment platforms available to the public,” paliwanag ni Mayor Zamora.

BASAHIN  Mahigit ₱200-K shabu, nasamsam sa 2 hinihinalang drug suspects sa Valenzuela City

Dagdag pa ni Zamora na mayroon silang 37 traffic enforcers sa San Juan City na dumaan sa training at handa nang sumabak sa pagaayos ng trapiko.

Nakatakdang simulan ang single ticketing system sa ilang  LGUs bago matapos ang taon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA