33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Jinggoy, ‘Magnanakaw, abusado at corrupt’ – Jessant So

HINDI nakalusot sa korte ang paninira kay Senador Jinggoy Estrada, nang sabihin nito na ang
senador ay “magnanakaw, abusado at corrupt na opisyal at isang kandidatong maagang
nangangampanya”.


Dahil sa mapanirang salitang ito, na-convict ng cyber libel si Jessant So dahil sa mga nai-post
nito sa Facebook.


Sinabi ni So na ang kanyang mga social media post ay hindi libelous o defamatory, kundi
pawang opinyon lamang [ng ibang tao] na kanyang sinipi.


Pero iba ang tingin dito ng Quezon City Regional Trial Court Branch 90. Sa kanyang opisyal na
pahayag, sinabi ni Presiding Judge Maria Zorayda Zabat Tuazon na nasumpungang guilty si So
ng pitong counts nang paglabag ng Section 4(c) (4) ng Cybercrime Prevention Act of 2012.


Sinabi ng korte ng ang mga social media post ni So ay nagpapahayag nang pagdududa sa
karakter at katauhan ni Estrada. Ang paggamit daw ng “diumano” bilang dipensa ay hindi
nakakumbinsi sa korte na ang pahayag ni So ay isa lamang opinyon o komentaryo [ng ibang
tao] dahil hindi naman napatunayan ng akusado kung sino ang taong nagsabi ng mga
akusasyon laban kay Estrada.

BASAHIN  Purdoy na brodkaster, humihingi ng tulong sa DSWD


Napatunayan daw ng korte na si So ay guilty “beyond reasonable doubt.”


Kapag nasintensyahan, maaaring maparusahan si So ng prision correctional na may parusang
pagkakakulong sa loob ng apat hanggang anim na taon, o prision mayor, na may anim
hanggang pitong taon, para sa bawat isa sa pitong cyber libels.

Sinabi ni Estrada sa isang Facebook statement na nagpapasalamat siya sa desisyon.
Idiniin niya na ang lahat ng mga akusasyon sa kanya ay walang katotohanan. Sana raw ay
magsilbing aral ito sa mga taong gumagawa ng mapanirang kwento sa social media.


“Freedom of expression and the right to critique public figures are crucial for a healthy
democracy. Ngunit may hangganan din ang mga karapatang ito lalo na kung walang bahid ng
katotohanan ang mga paratang at mga binitawang salita at ang tanging layon lamang ay
makapanira ng pagkatao,” pagtatapos ni Estrada.

BASAHIN  Pang-aabuso sa mga basurero, iimbestigahan — Jinggoy

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA